Filipino; Wika ng Saliksik


     Ang tema ay kumikilala sa ating wika bilang isang kasangkapan tungo sa Pambansang kaunlaran at karunungan. Ito ay naglalayong palaganapin ang Wikang Pilipino sa iba't ibang uri ng karunungan.

     Tuwing Buwan ng Wika, hindi mawawala ang mga aktibidad tulad ng Sabayang pagbigkas, pagsulat ng Essay, Pagtula, paggawa ng Poster at iba pa na nagpapakita ng ating pagkapilipino. Ang buwan ng Wika ay hindi lamang  pagdiriwang at pagtangkilik sa ating wika bagkus ay pagpapakita na kung gaano kayaman ang ating bansa sa kultura at tradisyon. Ito rin ay nagpapakita na kahit marami ng pagbabago ang naganap ay nananatili ang ating wika at hinding-hindi magbabago at mapaplitan. 

      Ngayong Buwan ng Wika, dapat tayo ay maging mapagsaliksik at maglayong madagdagan ang kaalaman. Hindi dapat tayo makuntento sa maliit na kaalamn bagkus ay maging uhaw tayo sa paghahanap ng sagot sa ating mga tanong at pagpapaunlad sa ating nalalaman. Ang temang ito ay naglalayong hikayating ang bawat pilipino na makisali sa mga aktibidad na may perspektibong palawakin at tangkilikin ang sariling Wika natin. 

Comments

  1. Very well said RJ! Let's explore more so that our knowledge will be added and let's work hand in hand to reach this goal

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

A letter to Action

"My Reflection this Quarter"

Healthy Lifestyle, Healthy Living