Gadget: Ugnayang Pamilya Pinagtitibay


                                            " Mapanuring paggamit ng gadget;
                                      tungo sa mapagkalingang 
                                            ugnayan sa pamilya
                                                    at kapwa"

   Ang teknolohiya ang isa sa mga mahahalagang kasangkapan ang ating nagagamit sa pang araw-araw na pangangailangan. Sa tulong nito tayo ay nakatutuklas ng mga bagong kaalaman at nagkakarong linaw ang mga ang isip sa mga bagay na mahirap intindihin. Isa sa mga tulong nit ay ang komunikasyon, halimbawa, ang facebook. Sa tulong nito tayo ay nagkakaroon ng komunikasyon at iba pa upang mapagaan ang ang gawain sa bawat araw.

    Sa kasalukuyang panahon, halos lahat na ng tao ay gumagamit ng gadgets. Halos bawat isa ay nagkakaroon at tumatamasa na sa magandang pakinabang nito. mula sa games, internet, calls, messages, at mga pagkukunan ng hanap-buhay kaya't ito ay patuloy na pinalalago at pinagyayabong. Ngunit ano mang bagay, ang gadgets ay mayroon ring masamang epekto, lalo na sa kabataan. Isa sa mga pinoproblema ng komunidad lalo na ng mga magulang ay masyadong pagkahumaling ng mga kabataan sa mga laro dulot ng gadgets. Minsan nakakalimutan na ng mga kabataan ang pagpapahalaga, pakikisalamuha, at ang ugnayan ng pamilya. Hindi man nilalahat ngunit maraming kabataan ang nagiging tamad ng dahil sa mga gadgets. Minsan ng dahil sa gadgets nakakalimutan na ng mga kabataan ang pag-aaral, responsibilidad, at higit sa lahat ang atensyon sa sarili.


      Hindi ginawa ang gadgets upang sirain ang pamilya. Mahalaga ang ugnaayan at samahan ng pamilya. Pamilya ang gumagabay sa atin tungo sa ating paglaki, problema, at pangangailangan. Huwag kalimutan ang mga sakripisyo nila para sa atin. Ang gadget ay nadiriyan at hindi mawawala ngunit ang samahan ng pamilya kapag nasira ay mahirap ng ibalik. Totoo nga't napakaraming pakinabang ng gadget, ngunit huwag tayong lumimot sa ating pamilya na silang hindi magsasawang gumabay ay kumalinga sa atin tungo sa pagbuo ng ating pagkatao. Napakasayang makita na ang gadget ang nagiging kasangkapan upang mapatibay ang ugnayan at samahan ng bawat pamilya at hindi ang dahilan upang masira ito.


     Kung ano ang epekto sa pamilya, gayun din sa kapwa.Halimbawa ang social media,sa isang pindot at post maari kang makasakit. Mahalagang tandaan ang bawat kilos na ting ginagawa ay may kaakibat na responsibilidad. Marami tayong nababalitaan na gulo kung minsan at kadalasan dahil ito sa gadgets. Tulad ng games, halimbawa ang mobile legends, dota at iba pa na mga nauusong laro ay ito ang kadalasang pinagmumulan ng gulo. Ang pagkatalo ay hindi matinding dahilan upang magkagulo, dapat nating alalahanin ang presensya ng kapayapaan at kaayusan. Hindi masama ang maglibang ngunit kung ang kapalit nito ay away at gulo, nararapat lamang itong itigil at pagnilayan ang ating sarili. Nararapat na palakasin ang ating disiplina upang tayo ay hindi makagawa ng mga bagay na pagsisihan rin natin sa huli.


     Bawat isa sa atin ay may pakinabang sa gadget. Bawat isa sa atin ay may pamilya. kaya't imbes na ang gadget ang sumira sa atin at sa ating pamilya, bagkus ay gawin natin itong kasangkapan upang mapatibay at mapatatag ang ugnayan natin sa kapwa at higit sa lahat: ang PAMILYA.


Comments

Popular posts from this blog

A letter to Action

"My Reflection this Quarter"

Healthy Lifestyle, Healthy Living